Sa kabila ng nagaganap na skirmishes sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng pinaniniwalaang ISIS inspired group sa mga karatig bayan, isinagawa ang rehabilitasyon sa irrigation linings or canals na nasasakop ng bayan ng Sharif Aguak, Maguindanao.
Ito’y makaraang ipag-utos ni Mayor Engr. Marop B. Ampatuan at Vice Mayor Datu Akmad Mitra Ampatuan.
Ginagawa lamang umano ng LGU ang kanilang parte upang matulungang maiangat ang living condition ng mga magsasaka at upang mapahusay ang kanilang farming strategies.
Ang tubig mula sa naturang irigasyon ay maayos nang makakadaloy hanggang sa downstream ng mga kapitbayan ng Shariff Aguak na sinisilbihan ng Kabulnan River Irrigation System (KRIS).
Ikinagalak naman ng mga magsasaka, barangay officials at mga residenteng makikinabang sa naturang hakbang na inisyatibo nina Mayor Maroup at Vice mayor Datu Akmad Mitra Ampatuan.
Rehabilitasyon ng irigasyon sa bayan ng Shariff Aguak, ipinag-utos ng LCE!
Facebook Comments