Rehabilitasyon ng Marawi City, posibleng abutin ng tatlong taon o higit pa

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng task force bangon Marawi na posibleng abutin ng tatlong taon o higit pa ang pagtatayo ng Marawi City bago maibalik sa normal ang buhay ng mga residente nito.

Sa Mindanao Hour sa Malacañang, ay sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Mina Marasigan, 3 taon ang nakikita nilang kailangang panahon para maitayong muli ang Marawi.

Pero nilinaw ni Marasigan na ang pagtaya ay base sa panlabas na nakikita palang sa Marawi City.


Paliwanag nito, hindi pa kasi nakapapasok sa main battle area ang assessment team para makita ang pinsala sa lungsod dulot narin ng bakbakan doon.

Kaya naman sinabi ni Marasigan na posible paring matagal sa 3 taon ang rehabilitation pero hindi pa nila masabi dahil wala pa ang full assessment sa lungsod.

Binigyang diin ni Marasigan na sa ngayon ay patuloy ang pagtatayo ng mga transitional shelters para sa mga residenteng apektado ng bakbakan.

Facebook Comments