Patay sa hagupit ng hurricane Maria sa Caribbean, umabot na sa labing lima

World – Umabot na 15 ang patay habang 20 pa ang nawawala matapos ang pananalasa ng hurricane Maria sa Dominican Republic sa Caribbean.

Ilang gusali rin sa Puerto Rico at St. Croix sa u.S. Virgin Islands ang nawasak ang lumubog sa baha.

Sa ngayon, nasa category 3 ang bagyo na inaasahang dadaan sa Turks & Caicos at sa Southeastern ng Bahamas ngayong araw.


Ang hurricane Maria ang pangalawa sa pinakamalakas na bagyong nanalasa sa Carribean ngayong buwan.

Samantala, inihahanda na ng Department of Foreign Affairs ang paglikas sa mga pinoy sa Caribbean na naapektuhan din ng bagyo.

Facebook Comments