Rehabilitasyon ng MRT-3, tuloy na sa taong 2021 – DOTR

Tuloy na tuloy na ang gagawing rehabilitasyon ng MRT-3 sa ikatlong quarter ng 2021.

Ayon kay Department of Transportation (DOTR) Usec. Timothy John Batan, pangungunahan ng Sumitomo-MHI-Tesp ang rehabilitasyon.

Kasama sa aayusin ang 72 light rail vehicles, mainline tracks, power and overhead catenary systems, signaling system, communications at CCTV system, escalators at elevators.


Tatagal ng 43 buwan ang nasabing proyekto pero target na matapos ang rehabilitasyo ng MRT-3 sa unang 26 na buwan.

Ngayon pa lang, humingi na ng paumanhin si Batan sa lahat ng pasahero na maaapektuhan ng pagsasaayos ng MRT-3.

Facebook Comments