Resulta ng pagsusuri ng FDA sa pagkaing ‘sanhi’ ng food poisoning sa birthday ni dating First Lady Imelda Marcos, Ilabas na sa Martes

Sa susunod na Linggo posibleng ilabas na ng Department of Health (DOH) ang resulta ng imbestigasyon sa pagkalason ng halos 300 bisita sa birthday party ni dating First Lady Imelda Marcos.

Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III, posibleng sa Martes, ilabas ang resulta ng ginawang pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA) sa mga pagkaing ipinamahagi sa birthday party.

Pinayuhan naman ni Duque ang mga biktima na agad bumalik sa ospital sakaling makaranas muli ng pagsusuka, lagnat, pagkahilo at iba pa.


Samantala, may sinusubaybayan na ring person of interest ang pnp pasig sa likod na nangyaring insidente.

Facebook Comments