Nakatakda nang simulan ang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit (MRT)-line 3 ngayong Enero.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), inaasahang sa huling linggo ng Enero sisimulan ang tatlong taon rehabilitasyon ng MRT.
Sinabi ng DOTr na gagastusan ng P18 bilyon ang naturang proyekto, na pangangasiwaan ng Japanese Consortium na Sumitomo-Mitsubishi Corp.
Sa kabila ng rehabilitasyon, tiniyak ng DOTr na walang dapat na ipangamba ang mga pasahero dahil tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng serbisyo ng MRT pero limitado lamang sa 15 tren ang bibiyahe araw-araw.
Kapag natapos naman ang proyekto ay makakabiyahe na ang mahigit 20 tren araw-araw kung saan may bilis ito na 60 kilometro kada oras.
Facebook Comments