Rehabilitasyon ng Pinaglabanan Shrine, itutuloy kahit pa may isyu ng kawalan ng pondo ng lokal na pamahalaan ng San Juan City

Sa kabila nang maraming isyu hinggil sa kawalan ng pondo ng lokal na pamahalaan ng San Juan City, handa pa din silang isailalim sa rehabilitasyon ang Pinaglabanan Memorial Shrine.

 

Ang halos limang ektaryang park ay pinaglaanan ng P50 milyung piso pondo upang maging isa din sa mga tourist destination sa San Juan City.

 

Katuwang ng lokal na Pamahalaan ng San Juan sa naturang rehabilitasyon ang National Historical Commission at tinatayang aabutin ng 300 na araw para matapos ito.


 

Ilan sa mga proyektong gagawin ay ang paglalagay ng mga perimeter fence, comfort rooms, paglalagay ng led lights, sprinklers at restoration ng mga walkway.

 

Nanawagan din ang San Juan City Government ng kooperasyon sa publiko habang isinasagawa ang rehabilitasyon partikular ang madalas na pumupunta sa Pinaglabanan Shrine kung saan ikinatuwa naman ng mga residente ang nasabing proyekto.

Facebook Comments