Rehabilitasyon ng Port of Aparri at Iba pang Imprastrakturang Pang-transportasyon, Ilalarga Ngayong 2021

Cauayan City, Isabela- Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na isasagawa ngayong taon ang rehabilitasyon ng Port of Aparri at iba pang mahahalagang Imprastrakturang pang-transportasyon sa lalawigan ng Cagayan.

Inihayag ito ng kalihim sa kanyang pagbisita sa Lalawigan kahapon para mamahagi ng inisyal na 100-bilang ng fiberglass motorized boats na ginanap sa bayan ng Claveria.

Ayon kay Sec. Tugade, nakalinya na sa ikatlong kwarter ng taong 2021 ang rehabilitasyon ng Port of Aparri.


Nakatakda din aniyang palalawakin at pahahabain ang Tuguegarao City Domestic Airport at target din na mag-operate ito ng 24/7 kung saan nagkaroon na ng Memorandum of Agreement ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at City Government ng Tuguegarao ukol dito.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Cagayan Gov. Manuel Mamba kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa walang tigil na tulong nito sa lalawigan.

Facebook Comments