*Cauayan City, Isabela- *Target na tapusin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rehabilitasyon sa naputol na Siffu Bridge sa Roxas, Isabela bago mag holiday season ngayong darating na Disyembre.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Engr. Bong Ubiña ng 2nd District DPWH sa RMN Cauayan kung saan sisimulan na ang rehabilitasyon sa nasabing tulay at hinihintay na lamang ang contractor ng nasabing proyekto para sa rehabilitasyon.
Aniya, Aayusin muna ang naputol na tulay upang mayroon nang madaanan ang mga motorista at byahero maging ang mga residente ng nasabing bayan na pansamantalang sumasakay ng bangka.
Nakipagtulungan na rin umano ang lahat ng LGU ng Isabela sa pangunguna ng ating gobernador upang agarang matugunan ang nasabing problema.
Dagdag pa ni ni Engr. Ubiña na kung natapos na ang 2 way na reahabilitasyon ng tulay ay plano pa itong dagdagan ng 2 way lanes na bagong tulay upang maging 4 lanes na ang nasabing Siffu Bridge.
Samantala, Ang pagkakaputol aniya ng Siffu Bridge ay kauna-unahang nangyari sa loob ng limang dekada.