Rehistrasyon ng mga Bagong Botante sa Cauayan City COMELEC, Dinagsa sa Unang Araw!

Cauayan City, Isabela- Dagsaan pa rin ngayon ang mga nagpaparehistro sa tanggapan ng Commission on Election (COMELEC) dito sa lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng RM Cauayan kay Commission on Election Officer Ephigenia Marquez, mula nitong lunes na unang araw na binuksan ang pagpaparehistro ng mga bagong botante ay mayroon na umanong isang daan at tatlumpu’t dalawa ang nagparehistro na kinabibilangan ng mga newly registered, newly transfer, reactivations at may mga corrections.

Ayon pa kay ginang Marquez, agahan na umano ang pagparehistro sa COMELEC upang maiwasan ang mahabang pila at huwag rin umanong kalimutan na magdala ng valid ID bilang pangunahing requirement.


Nakatakda namang matapos ang huling registration nitong ika-dalawampu’t siyam ng Setyembre taong kasalukuyan.

Samantala, mayroon ng kabuuang bilang na mahigit isang libo at walong daan na Barangay at SK Officials ang nakapagrehistro subalit ilan sa mga ito ay hindi pa nakapagsumite ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.

Facebook Comments