Kinumpirma ng tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo ang paglilipat ng lugar para sa rehistrasyon ng pagboto ng bise-presidente, mula sa Naga City hanggang sa Magarao town sa Camarines Sur.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ito ay bilang pagbibigay-daan sa posibleng pagtakbo ni Robredo bilang gobernador ng probinsya.
Agad namang nilinaw ni Gutierrez na ang paglilipat ng lugar ng pagboto ay hindi nangangahulungang gobernador na ang tatakbuhan ni Robredo at wala nang posibilidad na tumakbo sa pagkapangulo ng bansa.
Ang tanging malinaw na dahilan lang aniya ay ang layong magkaroon ng consistency si Robredo sa kaniyang aktuwal na tirahan.
Matatandaang una nang opisyal nang inendorso ng opposition coalition na 1Sambayan si Robredo bilang kanilang kandidato para sa pagkapangulo sa 2022 elections na hindi pa napagdedesisyunan ng pangalawang pangulo.