Personal na inihatid sa mga tahanan ng 20 residente ng Bayambang ang kanilang Birth Certificate in Security Paper (SECPA) sa ilalim ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) katuwang ang Philippine Statistics Authority.
Ang hatid-bahay na serbisyo ay malaking ginhawa para sa mga benepisyaryong mula sa mga barangay ng Tampog, Wawa, Amancosiling Norte, Bongato West, Bacnono, Buenlag 2nd, Caturay, at Sanlibo, na walang binayaran sa late registration of birth.
Samantala, sa Brgy. Batangcaoa ibinahagi naman sa mga magulang at senior citizen ang kaalaman ukol sa batas at registration sa bagong update ng PSA.
Inihatid din ang iba’t ibang serbisyong sibil tulad ng late registration ng birth, marriage at death, correction of clerical errors, Admission/Acknowledgment of Paternity, paggamit ng apelyido ng ama para sa non-marital child, legitimation, supplemental report, at libreng kasalang bayan.
Patuloy ang pag-arangkada ng mga naturang serbisyo kasabay ng paggunita ng National Civil Registration Month. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










