Wala pang kakayahang mag export ng kalakal ang Rehiyon Dos.
Ito ang pahayag ng Department of Trade and Industry o DTI sa ginanap na Stakeholder’s Forum for Cooperative Development Towards ASEAN Integration na ginanap sa Bamboo Hall, 3rd Floor ng Cauayan City Hall sa araw ng Kalayaan Agosto 28, 2017.
Pangunahing tinalakay sa naturang pulong na dinaluhan ng mga kinatawan ng DA, DTI, DAR, LGU ng Cauayan at Isabela, CDA, Media at Ibat ibang tanyag na kooperatiba sa Isabela ay mga kinakailangang hakbang upang iangat ang kooperatiba sa harap ng lumarga nang ASEAN Integration.
Samantalang naging masigla ang palitan ng kuro-kuro sa pulong balitaan ay naging malaking punto naman ang mga payak na kakulangan ng maraming mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at mga kooperatiba sa pakikipagsabayan sa merkado ng ASEAN. Ito ay ang distansiya ng Rehiyon Dos sa Manila, kakulangan ng impastraktura, kawalan pa ng sapat na kakayahan sa marketing at packaging, mahal na production cost, mahal na kuryente, mahal na labor cost at kawalan ng paniniwala sa sariling kakayahang makipagsabayan sa internasyunal na kalakalan.
Sa naging pahayag ni Isabela DTI Provincial Director Ma. Salvacion A. Castillejos, bagamat marami na ang mga produktong may kalidad mula sa Rehiyon Dos ay mahina pa rin ang kakayahan at pagtanggap sa good packaging gaya ng mga lokal na alak na ikinakarga pa rin sa hinugasang basyo ng bote. Magpagayunpaman, sinabi niya na maraming mga programa at ayuda ang DTI at nang pamahalaan upang matulungan ang mga MSME’s at mga kooperatiba na nais pumasok sa kalakalan.
Naging pangunahing bisita sa punong balitaan si Undersecretary Orlando R. Ravanera na nagbigay balita tungkol sa mga mga programa para sa ikakaangat ng kooperatiba sa bansa kasabay ng paghikayat at paghamon sa mga dumalong kooperatiba na malaki ang maitutulong ng kooperatibismo sa pagbura sa kahirapan sa banasa.
Magugunitang ang Cooperative Development Authority o CDA buhat na maupong presidente si Pangulong Rodrigo R. Duterte at isinailalim na ito sa tanggapan ng Pangulo kumpara sa dati nitong ahensiya na Department of Finance.