Reina Mae Nasino, nakalabas na sa Manila City Jail

Nakalabas na mula sa Manila City Jail ang aktibistang si Reina Mae Nasino at ang kasamahan nitong si Alma Moran.

Ito ay kasunod ng inilabas na release order ng Manila RTC Branch 47 para sa pansamantalang paglaya ni Nasino, Moran, at Ram Carlo Bautista matapos makapagpiyansa.

Isinakay sina Nasino at Moran sa ambulansiya para ipa-medical muna sa ospital bilang bahagi ng SOP at inaasahang ibabalik para sa pansamantala nilang paglaya.


Si Reina Mae ang aktibistang inaresto noong 2019 dahil sa umano’y illegal possession ng baril at granada sa Tondo, Maynila.

Facebook Comments