Pagdinig sa kaso ni Juanito Remulla III na may kinalaman sa iligal na droga, tinapos na ng Las Piñas RTC; desisyon ng korte, itinakda pa sa susunod na taon!

Tinapos na ngayong araw ng Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Branch 197 ang pagdinig sa kaso na may kinalaman sa iligal na droga ni Juanito Remulla III, anak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla.

Sinabi ng abagado ng batang Remulla na si Atty. Christopher “Kit” Belmonte na iniharap ng depensa kanina si Juanito bilang testigo.

Kasunod nito, naisumite na nila ang mga ebidensya sa nasabing korte.


Dagdag pa ni Atty. Belmonte, itinakda ng korte ang promulgation sa unang linggo ng Enero 2023.

Aminado rin ni Atty. Belmonte na malungkot ang kaniyang kliyente dahil sa kulungan ito magpa-Pasko at Bagong-Taon.

Facebook Comments