Limang beses na mas mataas ang tiyansa na ma-infect ang isang indibidwal dahil sa Omicron COVID-19 variant kumpara sa Delta variant.
Batay ito sa naging pag-aaral ng Imperial College London kasabay ng tumataas na kaso sa ilang bahagi ng Europa.
Ibig sabihin, 19% na mas mababa ang proteksyon ng tao laban sa reinfection ng Omicron variant.
Wala ring ebidensya na nagpapakitang mas mild ang epekto ng Omicron kumpara sa Delta kahit na kaunti lamang ang na-o-ospital dahil sa nasabing variant.
Samantala, ayon naman sa UK Health Security Agency and National Health Service, walang nakikitang pagkakaiba sa epekto ng Omicron pagdating sa hospitalization at sintomas.
Facebook Comments