Reklamo laban kay VP Robredo, iginiit na huwag patulan

Manila, Philippines – Hinimok ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang mga kapwa mambabatas na huwag patulan ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.

 

Ayon kay Batocabe,  hindi dapat siniseryoso ang reklamong ikinakasa nina Atty. Oliver Lozano at Melchor Chavez laban sa Pangalawang Pangulo.

 

Kapag pinatulan ito o kahit ang anumang hakbang para patalsikin si Robredo ay hindi na makakausad ang bansa sa ganitong uri ng politika.

 

Magpapatuloy anya ang bangayan at palitan ng akusasyon ng mga maka administrasyon at kampo ni Robredo.

 

Dagdag ng kongresista na hindi pa nakakaisang taon makalipas ang eleksiyon at nakakapanghinayang ang oportunidad ng bansa kung hindi magkakasundo ang mga lider nito.



Facebook Comments