Reklamo na natanggap ng PNP-CIDG kaugnay sa anomalya sa SAP, umabot na sa 201

Umakyat na sa 201 ang mga reklamong natanggap ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kaugnay ng anomalya sa Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay CIDG Deputy Director Police Col. Rhoderick Armemento, ang mga reklamong natanggap ay mula  April 1 hanggang May 28, 2020 na galing sa 349 indibidwal sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Aniya, karamihan sa mga reklamong kanilang tinanggap ay mga pinaghahating SAP subsidy.


May mga tauhan umano ng barangay na hinahati ang ayuda para mas marami ang mabigyan.

Habang dalawa naman ang naaresto tungkol sa anomalya sa SAP.

Ito ay isang Barangay EX-O ng Cabalan, Olangapo City at Barangay Secretary sa Bansalan, Davao del Sur.

Facebook Comments