Reklamo ng Brazil sa WHO kaugnay ng poultry import ban ng Pilipinas, welcome sa DA

Walang nakikitang problema ang Department of Agriculture (DA) sa paghahain ng bansang Brazil ng reklamo sa World Health Organization (WHO) kasunod ng poultry import ban ng Pilipinas.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, lahat ng member countries ay may pantay na karapatan na maghain ng reklamo WHO kaugnay sa sa polisiya ng ibang kasaping bansa.

Tugon ito ng DA sa liham na natanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa pamahalaan ng Brazil na nagrereklamo sa ipinataw na poultry ban.


Kaugnay pa rin ito ng pagkalat ng COVID-19 infections sa mga trabahador sa mga meat facilities ng Brazil at ang resulta ng pagsusuri ng China na may SARS-COV-2 sa imported chicken wings galing Brazil.

Sinabi pa ni Dar na hindi pa nila binabawi ang poultry ban dahil hindi pa naisusimite ng Brazilian Government sa ang kopya ng report sa dami ng SARS-COV-2 infection sa kanilang foreign meat establishments kung saan nagmumula ang mga imported meats.

Aniya, tuloy pa naman ang bilateral consultations ng Pilipinas sa Brazilian Government upang madaling masolusyunan ang isyu.

Facebook Comments