Reklamo ng prosekusyon laban kay Senador JV Ejercito, ibinasura ng Sandiganbayan

Manila, Philippines – Nagpalabas ng Resolution ang 6th Division ng Sandiganbayan para ibasura ang inihaing reklamo ng prosekusyon laban kay Senador JV Ejercito na may kaugnayan sa technical malversation.

Ayon kay 6th Division Sandiganbayan Justice Rodolfo Ponferrada Dismissal ang kanilang hatol sa kaso ni Ejercito dahil nabigo ang prosekusyon na patunayan beyond resonable doubt ang kaso ng Senador.

Si Honasan ay kinasuhan ng technical malversation dahil sa ginamit umano nito ang pondo ng kalamidad para bumili ng baril ng mahigit na 1 milyong piso noong siya pa ay alkalde ng San Juan.


Wala umanong matibay na batayan ang prosekusyon upang patunayan ang kanilang akusasyon laban sa Senador.

Facebook Comments