Naglabas ng pahayag ang pamunuan ng ABS-CBN management nitong Huwebes ng hapon, Agosto 8, kaugnay sa reklamong inihain ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson at Assistant Secretary Celine Pialago laban kay Doris Bigornia.
Sa official statement ng ABS-CBN, sinabi nitong inakyat ang imbestigasyon ng kaso sa Office of the Network Ombudsman ng naturang istasyon.
Nagsimula ito sa paratang ni Pialogo na biktima siya ng bullying ni Bigornia.
(BASAHIN: MMDA Spox Celine Pialogo nireklamo si Doris Bigornia ng ‘pananakit’ at ‘panininang-puri’.)
Ayon sa kawani ng MMDA, sinigawan at nagpapakalat umano si Bigornia ng tsismis para masira siya.
Umabot din sa puntong sinaktan siya nito nang magkita sila sa Makati City Hall kamakailan.
Basahin ang kabuuang pahayag ng ABS-CBN:
“The complaint against Doris Bigornia has been elevated to the Office of the Network Ombudsman in ABS-CBN. This is to ensure an independent and impartial investigation.
“Our news head, Ging Reyes, recognizes the need for a thorough inquiry into the matter, which she expressed in her response to MMDA spokesperson Celine Piago [sic].
“In ABS-CBN News, we expect our journalists to uphold the highest standards in journalism ethics and to adhere to the network’s Code of Conduct for employees, both of which require them to behave professionally at all times.
“Any allegations of deviation from these will be dealt with seriously.”