Reklamong crime against humanity laban kay PRRD sa ICC, posibleng desisyunan na!

Posibleng desisyunan na ng International Criminal Court o ICC sa susunod na taon ang reklamong ‘crime against humanity’ laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa ICC report, mayroon silang nakitang sapat na basehan upang ipagpatuloy ang kanilang imbestigasyon.

Iginiit ng ICC na mayroon pa rin silang hurisdiksyon sa kaso dahil naihain ito bago pa man kumalas ang Pilipinas mula sa Rome Statute, ang tratado na bumuo sa ICC.


Nabatid na ang kaso laban sa Pangulo ay inihain ng National Union of Peoples Lawyers o NUPL noong August 2018 samantalang ang pag-urong sa Rome Statute ay noong Marso lamang ng taong kasalukuyan.

Facebook Comments