
Lumobo na sa 19,729 ang reklamong natanggap ng Sumbong sa Pangulo website kaugnay sa maanomalyang flood control projects, halos dalawang buwan matapos ilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, inaasahang ilalabas bukas ang mas detalyadong ulat kung alin sa mga reklamo ang natugunan na at ano ang kasalukuyang estado ng mga ito.
Sa ngayon, hindi pa matiyak ng Palasyo kung hanggang kailan mananatiling bukas ang website, ngunit binabantayan umano ni Pangulong Marcos ang dami ng mga reklamong pumapasok.
Kapag humupa aniya ang bilang ng mga sumbong, posibleng ito ang magsilbing hudyat ng pagsasara ng portal.
Dagdag pa ng Palasyo, bukas din sila sa posibilidad na palawigin ang operasyon ng website para matanggap ang mga reklamo hinggil sa iba pang maanomalyang infrastructure projects ng gobyerno.









