Rekomenasyon ng investigating bodies sa RWM attack, hinihintay na ng Malakanyang

Manila, Philippines – Inaabangan na ng Malakanyang ang isusumiteng rekomendasyon ng investigating bodies hinggil sa pagpapanagot sa mga responsable sa nangyaring insidente sa Resorts World Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi pwedeng walang managot dito lalo pa’t 38 katao ang namatay kasama na ang suspek na si Jessie Carlos.

Aniya, kaisa ang palasyo sa pananaw ni Senate President Koko Pimentel na nagsabing malinaw na nagkaroon ng security breach o pumalpak ang security measures ng Resorts World kaya basta na lamang nakapasok ang suspek na may dalang armas at gasolina.


Maliban dito ay ipinasisilip din ng palasyo sa PAGCOR kung tama ba ang disensyo ng gusali at kung may ipinatutupad bang safety protocols ang Resorts World.
Ang Resorts World Manila ay pagmamay-ari ni real estate magnate na si Andrew Tan.
DZXL558

Facebook Comments