Rekomendasyon at lahat ng panig kaugnay ng panukalang amyenda sa PDIC Charter, pag-aaralang mabuti sa Senado

Bubuo ng Technical Working Group o TWG ang Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies kaugnay sa panukalang amyenda sa Philippine Deposit Insurance Corporation o PDIC Charter.

Ayon kay Sub-Committee Chairman Senator Sonny Angara, pag-aaralang mabuti ng TWG ang lahat ng rekomendasyon at posisyon ng stakeholders ukol sa panukala.

Target ni Angara na maihain na sa plenaryo ang committee report hinggil dito sa susunod na linggo.


Pangunahing itinatakda ng panukala na itaas sa ₱1 milyon ang insurance para sa deposito sa mga bangko depende sa inflation at iba pang economic factors at ito ay sinuportahan naman nina Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Ben Diokno at Finance Secretary Carlos Dominguez.

Kabilang naman sa rekomendasyon ng Department of Finance (DOF) AT BSP ay gawing attached agency ang PDIC sa BSP para sa policy at program coordination.

Facebook Comments