Manila, Philippines – Hindi mababago ang lalamanin ng report ng House Committee on Ways and Means matapos na palitan na sa pwesto sa BOC si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Ayon kay Quirino Rep. Dakila Cua, Chairman ng House and Ways Committee, walang bearing sa mga findings at magiging rekomendasyon ng komite ang pagbibitiw ni Faeldon.
Aniya, tuloy ang planong pagmungkahi na buwagin ang command center na nilikha sa ilalim ng pamumuno ng dating Commissioner.
Minsan ng binakbakan ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Faeldon sa paglikha ng command center na aniya’y iligal dahil walang administrative order mula sa Department of Finance para buuhin ito.
Katulad ni Cua, tuloy din ang rekomendasyon ni Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Ace Barbers ng pagsasampa ng kaso laban kay Faeldon at sa iba pang opisyal ng BOC.