Para kay House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin, mainam na pag-aralan munang mabuti ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung akma na ideklara ang state of calamity sa buong bansa bunsod ng pinsala ng Bagyong Paeng.
Paliwanag ni Garin, may advantages at disadvantages ang pagsasailalim ng bansa sa national state of calamity.
Binanggit ni Garin na isa sa malaking magiging tulong nito ay pagpapatupad ng automatic price freeze sa basic goods at magkakaroon din ng repogramming sa pondo para sa pagsasaayos ng mga nasirang impraktraktura at pagbibigay ng no-interest loan ng mga government financial institutions.
Dagdag pa ni Garin, magagamit din ang quick response funds, ang NDRRM Funds at President’s Contingent Fund upang mapabilis ang pagbangon ng mga nasalantala ng bagyo.
Babala naman ni Garin, kung ideklara ang national calamity sa buong bansa ay maaaring maabuso ang paggamit ng pondo maging sa mga lugar na hindi lubos na tinamaan ng Bagyong Paeng.
Para kay Garin, bagama’t may available funds ang pamahalaan para sa mga national disaster ay dapat maging maingat sa paggamit nito lalo at hindi lamang ang Bagyong Paeng ang kalamidad na maaaaring maranasan ng bansa.