Biyahe ng PNR, naantala dahil sa pagdiskaril ng tren sa Sta. Mesa, Manila

Inanunsiyo ng pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) na naantala ang ilan nilang biyahe dahil sa insidente ng pagdiskaril ng tren malapit sa Magsaysay Crossing sa Sta. Mesa, Manila.

Sa isang tweet, sinabi ng PNR na apektado ang mga byahe mula Tutuban hanggang Alabang, Bicutan at BiƱan.

Humingi naman ng pang-unawa ang pamunuan ng PNR at inabisuhan ang mga pasahero na patuloy na magmonitor sa mga magiging update.


Facebook Comments