Ikinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga rekomendasyon bago isailalim sa Martial Law ang Sulu matapos ang kambal na pagsabog noong Lunes.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kapwa liderato ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang nagrekomenda sa Pangulo na isailalim sa Martial Law ang Sulu.
Gayunman, bagama’t may rekomendasyon, kailangan pa rin aniya ng approval ng Kongreso at Supreme Court.
Hindi naman matukoy ni Roque kung bibisitahin ng Pangulo ang mga pamilyang naulila sa pagsabog sa Jolo dahil sa COVID-19 pandemic at sa sitwasyon na rin sa lugar.
Facebook Comments