Manila, Philippines – Bago mag-Lunes, inaasahang matatanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang advance report ng AFP tungkol sa magiging rekomendasyon nito kung palalawigin pa o aalisin na ang martial law sa Mindanao.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla – hinihimay na lang nila ang report para maisumite kay AFP Chief-Of-Staff Gen. Eduardo Año.
Dadaan din ito kay Defense Sec. Delfin Lorenzana na siya namang magpapasa ng report sa pangulo.
Sa ngayon, may mga clearing operation pang ginagawa ang AFP sa 600 bahay at gusali sa Marawi.
Sabi ni Padilla, dito rin nakasalalay kung ano ang kanilang magiging rekomendasyon.
Pitong araw na lang, mapapaso na ang 60-day period ng idineklarang batas militar ni Duterte.
Pero ayon sa AFP, labindalawang (12) araw pa ang kailangan nila para matapos ang clearing operations.