Rekomendasyon ng Department of Defense sa batas militar, naisumite na

34

Manila, Philippines – Naisumite na ng Department of National Defense (DND) kay Pangulong Duterte ang kanilang rekomendayson hinggil sa extension ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, noong July 13 pa nila naibigay ang report sa pangulo.

Aniya, kinunsulta rin niya rito ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Aniya, mas mainam na hintayin na lamang ang desisyon ng pangulo kung papalawigin nito ang batas militar sa Mindanao.

Facebook Comments