Kinumpirma ng DOH na nabuo na nila ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na isusumite sa pangulo sa susunod na linggo.
Kasunod ito ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na hindi na global health emergency ang COVID-19.
Tumanggi naman si Health Officer-In-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire na isapubliko ang nilalaman ng kanilang rekomendasyon.
Nilinaw naman ni Vergeire na umiiral pa rin ang kasalukuyang mga panuntunan at resolusyon sa paglaban sa COVID-19 hangga’t hindi inaaprubahan ng Pangulong Marcos ang kanilang binuong rekomendasyon.
Facebook Comments