Mga pampasabog narekober ng militar sa Midsayap, Cotabato

Narekober ng tropa ng 34th Infantry Battalion ang tatlong rocket propelled grenade sa Sitio Mapayag, Barangay Tugal, Midsayap, Cotabato.

Ayon kay Joint Task Force Central Commander, Maj. Gen. Alex Rillera, ang Ministry of Social Services and Development ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay nasa lugar para magsagawa ng inspeksyon kasunod ng bakbakan ng magkatungaling partido na nangyari noong Mayo 3 nang madiskubre ang mga pampasabog.

Ang mga narekober na pampasabog ay kasalukuyang nasa kustodiya ng 34th EOD team para sa disposal.


Kasunod nito, pinapurihan ni Western Mindanao Command (WESTMINCOM) Commander Lt. Gen. Roy Galido ang mga tropa sa mabilis na aksyon sa report ng mga residente.

Facebook Comments