Tumanggap ng “favorable recommendations” mula sa panel of experts ng bansa ang COVID-19 vaccine ng AstraZeneca.
Sa kasalukuyan, naghihintay ang AstraZeneca para sa Emergency Use Authorization (EUA) sa bansa.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, natapos na ng technical quality panel at safety and efficacy panel ang evaluation sa bakuna.
Aniya, positibo ang mga ibinigay nilang rekomendasyon para sa AstraZeneca vaccine.
Sinabi ni Domingo na isinasapinal na lamang nila EUA na ilalabas nila para sa AstraZeneca dahil nakalagay rito kung saan ito ima-manufacture, kung paano ito gagamitin, indications at kung sino lamang ang maaaring maturukan nito.
Ang proseso ng pagbibigay nila sa AstraZeneca ng EUA ay maikli kumpara sa ibang bakuna dahil mayroon na silang EUA mula sa United Kingdom.