DSWD, sisimulan na ang community validation ng Listahanan 3

128

Nasa validation at finalization phase na ang Listahanan 3 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang Listahanan 3 ay ikatlong round ng assessment ng mga mahihirap na pamilya sa bansa.


Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ang mga komunidad ay bibigyan ng oportunidad na masilip ang inisyal na listahan ng mga mahihirap na pamilya para sa kanilang validation.

Ang mga pamilyang mayroong tanong hinggil sa listahan ay maaaring magtungo sa tanggapan ng DSWD o local social welfare development office.

Dagdag pa ni Bautista, nakumpleto na ng DSWD ang Data Collection and Analysis Phase ng Listahanan 3.

Nasa 100% na ng Household Assessment Forms (HAFs) ang nairehistro at na-encode sa database na nakumpleto nitong Disyembre.




Sa ngayon, ang DSWD ay nakapag-assess na sa higit 14.5 million households mula sa 16.1 million households na target ma-evaluate sa ilalim ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).

Facebook Comments