Rekomendasyon ng IATF na palawigin ang travel ban sa India at anim na bansa, aprubado ni Pangulong Duterte

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na panatilihing sarado ang borders ng Pilipinas sa mga biyaherong manggagaling sa India at anim pang bansa hanggang June 15.

Bukod sa India, sakop ng ban ang Pakistan, Sri Lanka, Bangladesh, Nepal, Oman, at United Arab Emirates (UAE).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang extension ng travel restrictions ay pag-iingat laban sa pagkalat ng COVID-19 partikular ang variant na na-detect sa India.


Unang ipinatupad ang entry ban sa mga biyahero mula sa India noong April 29 hanggang May 14 at isinama ang mga bansang Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka sa listahan mula May 7 hanggang May 14 hanggang sa pinalawig ito hanggang May 31.

Nagdagdag sa listahan noong May 16 ang bansang Oman at UAE.

Facebook Comments