Rekomendasyon ng NSC kaugnay sa pangha-harass ng China sa WPS, inaasahang ilalatag kay PBBM ngayong araw

 

Isinasapinal na ng National Security Council (NSC) ang mga rekomendasyon para tugunan ang patuloy na pangbu-bully ng China sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang kinumpirma ni NSC Assistant Director General at Spokesperson Jonathan Malaya matapos ang naging pulong nina NSC Adviser Secretary Eduardo Ano at Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ayon kay Malaya, nakalatag na ang mga rekomendasyon at umaasa silang maipipresenta ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong araw.


Posible namang mapag-usapan din sa sectoral meeting ang kasalukuyang development sa sitwasyon sa WPS.

Samantala, bumuhos naman ang suporta ng iba’t ibang bansa sa Pilipinas kasunod ng pinakahuling water canon attack ng China sa barko ng Coast Guard kung saan tatlong tropa ang nasugatan.

Facebook Comments