PBBM, balik-trabaho na ngayong araw matapos ang halos isang linggong trangkaso

 

Balik-trabaho na ngayong araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos makaranas ng halos isang linggong trangkaso.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), naka-recover na sa trangkaso sina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos at may mga nakalinya ng aktibidad ngayong araw ang pangulo.

Maayos na ang lagay ng First Couple at pinayagan nang bumalik sa trabaho sa lalong madaling panahon.


Sa katunayan, ngayong umaga ay pangungunahan ng pangulo ang sectoral meeting sa Malacañang tungkol sa sitwasyon ng El Niño at mga paghahanda sa La Niña.

Samantala, mamayang hapon naman ay may courtesy call kay Pangulong Marcos ang US Congressional delegation, gayundin ang Indian external affairs minister.

Facebook Comments