Manila, Philippines – Isusumite na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ngayong umaga sa tanggapan ng land transportation office ang rekomendasyong cancellation o suspension ng driver’s license ni dating binibining universe Maria Isabel Lopez
Ito ay matapos na dumaan sa kahabaan ng EDSA particular sa may bahagi ng Shaw boulevard patungo Ortigas nitong nakalipas na gabi ng Sabado nang walang carpass para gumamit ng ASEAN lane.
Kinunan nya ito ng video at ipinost sa kanyang facebook account.
Ayon kay Emmanuel Miro ang operation head ng MMDA ASEAN traffic task force ang kanilang legal team ang magsusumite ng rekomendasyon sa LTO ito upang bigyan leksyon ang beauty queen.
Mas naka-alerto naman ngayon ang MMDA at PNP personnel na nakatalaga sa mga ASEAN lane para hulihin ang mga motoristang dadaan sa ASEAN lane na walang pahintulot.
Babala ni Miro sa mga motoristang magtatangkaang dumaan sa asean lane na posibleng ikapahamak ito ng kanilang buhay dahil maaring mapagkamalang terorista ng mga nagbabantay na pulis at sundalo at paputukan sila.