Manila, Philippines – Posibleng isusumite na sa susunod na linggo ng Armed Forces of the Philippines ang rekomendasyon hinggil sa paglalalawig ng martial law sa Mindanao.
Ito’y kasunod nang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapaubaya na niya sa militar ang pagdedesisyon kung dapat bang pahabain ang batas militar.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, patuloy pa ang assessment nila sa sitwasyon sa Marawi.
Bawat anggulo anya ay pinag-aaralan nila hanggang sa pag-usad ng rehabilitation process.
Kung makakabuti aniya na may batas militar sa pagsisimula ng rehabilitasyon walang dahilan para hindi nila irekomenda ang pagpapalawig ng martial law.
Samantala, dalawa sa apat na engineering brigade ng AFP ang naghahanda na para sumabak sa rehabilitasyon sa Marawi.