Posibleng mailalabas na sa Huwebes o Biyernes ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang rekomendasyon nito para sa pagpapalawig ng pagbabakuna ng ikalawang COVID-19 booster shot sa ibang grupo.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ipagpapatuloy ng HTAC ngayong linggo ang kanilang assessment sa data ng World Health Organization, Centers for Disease Control and Prevention, Food and Drug Administration, at United Kingdom Joint Committee on Vaccination and Immunization para mas matukoy ang mga epekto ng pangalawang booster shot laban sa COVID-19.
Aniya, hindi niya nais na pangunahan ang HTAC para sa mga rekomendasyon na kanilang mabubuo.
Kahapon, Abril 25 nang simulan ng pamahalaan ang pagtuturok ng ikalawang COVID-19 booster shot para sa immunocompromised individual sa National Capital Region (NCR).
DITO MATTS NI DUQUE