PMA: Kaso ng diarrhea sa mga bata ngayong summer, dumami

71

Nanawagan ang Philippine Medical Association (PMA) sa publiko partikular sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak laban sa diarrhea.

Ayon kay PMA President Dr. Benito Atienza, ilan sa kaniyang mga pasyenteng bata ang nakakainom ng tubig sa dagat o pool na posibleng may bacteria o virus.

Nanawagan rin ang PMA sa publiko na magpabakuna hindi lamang sa COVID vaccine kundi sa iba’t iba pang mga sakit lalo na ngayong ipinagdiriwang ang World Immunization Week.


Mayroon aniyang mga bakunang ibinibigay para sa mga bata hanggang sa mga matatanda para sa kanilang proteksiyon laban sa iba’t ibang mga sakit.

Facebook Comments