Inirekomenda na ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (PNP-IAS) ang pagsibak sa serbisyo sa pulis na bumaril at pumatay sa isang 52-anyos na ginang sa Fairview Quezon City noong May 31.
Ayon kay IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, naisumite na nila ang rekomendasyon sa tanggapan ni PNP Chief Police Gen. Guillermo Eleazar.
May matibay aniyang ebidensya laban kay Zinampan lalo pa’t kita sa video ang pagpatay nito sa 52-anyos na ginang at batay rin sa mga testimonya laban sa kaniya ng mga saksi.
Una nang iniutos ni Eleazar na bilisan ang proseso nang pagsasampa ng kasong administratibo sa suspek para kaagad itong matanggal sa serbisyo.
Bago ito, sinampahan na ng kasong murder si Zinampan.
Facebook Comments