Relasyon ng Japan at Pilipinas, lalo pang pinagtibay

Muling pinagtibay ng mga lider ng Japan at Pilipinas ang relasyon ng dalawang bansa.

 

Ito’y matapos makiisa si House Speaker Gloria Arroyo kasama si  Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda para ipagdiwang ang pagkakaupo sa Chrysanthemum Throne ni bagong Emperor  Naruhito.

 

Binigyang diin ng Ambassador ang noon pa ma’y matibay na ugnayan ng Pilipinas at Japan pagdating sa people relations, labor ties, at cultural exchange.


 

Kumbinsido ang Ambassador na magpapatuloy ang Philippine-Japanese friendship sa ilalim ng bagong Reiwa Era ni Emperor Naruhito.

 

Kasama ni Speaker Arroyo sa selebrasyon sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Senator Aquilino Pimentel, dating Prime Minister Cesar Virata, at iba pang Filipino at Japanese dignitaries habang si Ambassador Haneda ay kasama ang asawang si Iheka Haneda.

Facebook Comments