Nakatakdang pagtibayin nina North Korea President Kim Jong-Un at Chinese President Xi Jinping sa kanilang pulong ang relasyon ng Pyongyang at Beijing.
Ito ay kasabay ng dalawang araw na state visit ni Xi sa NoKor.
Ilan sa inaasahang pa-uusapan ng dalawang lider ang nuclear negotiations, at dahilan ng bigong summit ni Kim kasama si Us President Donald Trump sa Hanoi, Vietnam noong Pebrero.
Una nang sinabi ni Xi na nais nitong siguraduhin na mananatiling maganda ang relasyon nito sa North Korea sa kabila ng hinaharap nitong patong-patong na sanctions mula sa Estados Unidos.
Samantala, inaabangan rin ang gagawing pagpupugay ng dalawang lider sa friendship tower bilang pag-alala sa Chinese troops na lumaban kasama ang North Korean noong 1950-1953 Korean war.