Relasyon ng Pilipinas at China, napag-usapan nina DFA Sec. Enrique Manalo at Chinese Foreign Minister Wang Yi

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naging pag-uusap sa telepono nina DFA Secretary Enrique Manalo at Chinese Foreign Minister Wang Yi.

Ayon sa DFA, sumentro ang pag-uusap ng dalawang opisyal sa relasyon ng Pilipinas at China.

Tinawag din ni Manalo na “frank” at “candid” ang pagpapalitan nina ni Minister Wang ng kanilang posisyon sa mga isyu.


Inihayag pa ng DFA na nagkasundo ang dalawang opisyal sa pagresolba sa mga kontrobersiya.

Sa kabilang dako, hinimok ng Chinese minister ang Pilipinas na bumalik sa tamang ruta at i-manage ng maayos ang maritime situation bilang pangunahing prayoridad.

Facebook Comments