Mananatiling matatag ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng administration ni Democratic President-elec Joe Biden.
Ayon kay Philippine Ambassador to US Jose Romualdez, hindi magbabago ang magandang ugnayan ng dalawang bansa kahit may ilang kaalyado si Biden sa kanilang partido na kondenahin ang Duterte Administration dahil sa isyu ng human rights at pagpapakulong kay Senator Leila de Lima.
Ang bagong administrasyon ay magiging beneficial sa karamihan ng mga immigrants, lalo na sa mga Pilipino dahil isinusulong ng Democratic members sa US Congress ang pagkakaroon ng maluwag na immigration rules kumpara sa polisiya ni dating president Donald Trump.
Kasalukuyang mayroong 350,000 deportation cases labna sa mga Pilipino, at karamihan ay nakabinbin sa iba’t ibang korte sa US.