MANILA – Nilinaw ni Political Analyst Erick San Juan, na mananatiling maganda ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos kasabay ng panalo sa pagkapangulo ni Republican President-Elect Donald Trump.Pero sa interview ng RMN kay Prof. San Juan, ang dapat ikabahala ay ang biglang pagkambyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na nito aawayin ang Amerika.Iginiit ni San Juan, makinig dapat ang Pangulo sa mga nagbibigay ng payo sa kanya at alalayan palagi siya sa tuwing magsasalita.Naniniwala si San Juan na nakadepende kay Pangulong Duterte ang magiging estado ng relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Facebook Comments