Pinalakas pa ng Pilipinas at United Kingdom (UK) ang relasyon ng mga ito hinggil sa iba’t ibang usapin.
Kabilang dito ang pagpapaunlad ng trade and investment, technology, security and defense, pagtugon sa COVID-19 at iba pang usapin.
Ayon kay Liz Truss, Secretary of State for Foreign, Commonwealth and Development Affairs ng United Kingdom, mahalagang partner ang Pilipinas kaya nararapat na paunlarin pa ang pagtulong dito.
Naging makabuluhan naman para kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pakikpagpulong kay Truss kahapon at tiniyak ang maayos na pakikipagtulungan dito.
Sa ngayon, bumuo na ng PH-UK Enhanced Partnership ang Pilipinas at ang UK.
Maliban kay Truss, nakatakda ring makipagpulong si Locsin sa bagong British Ambassador to the Philippines na si Laure Beaufilspara sa iba pang update sa partnership.