Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na naging makabuluhan ang naganap na pulong sa pagitan nila Pangulong Rodrigo Duterte at US ambassador to the Philippines Sung Kim.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sinabi ni Pangulong Duterte na nananatiling malakas ang bilateral relations ng Pilipinas at Estados Unidos ng Amerika at handa aniya ang dalawang bansa na talakayin ang mga issue na magiging kapakipakinabang sa dalawang bansa.
Sinabi aniya ni ambassador Kim na ipinagmamalaki niya ang kooperasyon ng intelligence forces ng dalawang bansa sa larangan ng intel sharing, training at equipment support.
Tiniyak din aniya ni ambassador Kim kay Pangulong Duterte na naiintindihan ng Estados Unidos ang security concern ng Pilipinas at handa aniyang tumulong ang US sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kagamitan at training.
Samantala wala namang official schedule ngayong araw si Pangulong Duterte na nasa Davao City na nagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Facebook Comments